November 15, 2007

Montreal Cubao Community Center is dead!!!

Ang Community Center sa Montreal Cubao ay tuluyan nang naisara.
ang matagal na  pag hihintay at pakikipag usap sa may ari (MANILA BIBLE COMMUNITY) ng nahiram na venue para sa Community Center ay natapos na.
Una ay pansamantalang naisara ang Center  dahil pina renovate ng may ari ang lugar.
Pero di nag  tagal dahil sa hindi pag kakasundo ng ibang may ari at ng ibang NC crew, tuluyan na itong naisara..

Pinapasalamatan namin ang lahat ng taga montreal cubao, ang lahat ng indibidwal at grupo, na tumulong samin sa mga aktibidad, aksyon, atibp, sa mga nakilala nakakwentuhan, nag donate, naging kaibigan naging kaaway, malaking parte para maging possible  ang center at ang mga aktibidad dahil sainyo!! Maraming salamat!!!

Nawala man ang Center patuloy parin at balik lansangan ang mga gawain, at patuloy parin naming itong gagawin hanggat aming makakaya at hanggat may pag kakataon.

Sa ngayon sa tulong ng ilang  mga kaibigan isang venue (pinahiram/inupahan bahay) sa Litex Fairview QC ang  pansamantala bubuksan para maging maliit na Library/Infoshop

Para sa mga gustong makipag ugnayan, makiisa, mag donate ng materials o anumang tulong para sa mga proyekto, aktibidad at aksyon para  sa bagong space sa  lansangan at kung saan mang lugar,

 Makipag ugnayan sa : noncollective@yahoo.com
 O mag text sa:  
                          globe: 639065766397
                         smart : 639282167586

June 26, 2007

Stencil Workshop 06-22-07

discussion:Ecology 03-27-07

discussion about radical ecology and environmental crisis

 

 

 

April 1, 2007

RTS: street art March 10 2007

 

More pics

FNB and Street Art

More pics

Masayang pag guhit ng mga bata at masayang salu salu sa pagkain.

pagkain hindi bomba !! crayola hindi bomba hahaha!!!

march 3, isinagawa namin ang pag papa guhit o pag papa drawing sa mga bata gamit ang mga nahingi naming crayola, lapis, at papel.. (mga gamit na na papel na pede pang sulatan sa likuran) masaya kaming gumuhit kasama ang  mga bata sa tema ng "pagmamahalan at kapayapaan" kasama nadin ang pag papaliwanag sakanila kung ano ang ibig sabihin nito. masayang gumuhit ang mga bata at masaya nilang nailabas ang kanilang creativity at ang kanilang sariling pag kakaintindi sa kapayapaan at pag mamahalan.. pag katapos ng pag guhit ay salu salu kaming kumain ng hinanda naming pag kain.. plano pa namin gawin ito sa mga susunod na araw kung mag karoon kami ng sapat na materials uli at oras….

 

salamat kay xkeidax  para sa dag dag ideya at sa pag tulong.. at sa ibibigay niyang maayos na workshop
salamat din kay kris at ponx para sa pag tulong salamat na din sa lahat ng mga kasama!!!

 sa uulitin!!!

 

salahat ng gustong makiisa at tumulong sa aming mga gawain at kung meron kayong mga gustong gawin para makatulong sa comunidad.. mag email lang sa noncollective@yahoo.com at para sa mga gustong mag donate  nangangailangan pa kami sana ng mga crayola, lapis pentelpen chalk at mga papel.. (ok lng yun gamit na o luma basta pede pang masulatan sa likuran.) at kung ano pang makakatulong.. salamat..

 

 

 

March 31, 2007

Art Gallery March 29 2007

 

 

Click here


 arts by: ponx

 

March 30, 2007

Freecycle Box

 

 

FREECYCLE: ang freecycle ay malayang ugnayan ng mga tao na gustong mag bigay at kumuha ng libreng stuffs sa kanilang lugar. ang lahat ay libreng makiugnay kumuha/magbigay dito.
ang pag recycle at pag babahagi ng mga stuffs na hindi na ginagamit, sobra, o ayaw na ng may ari, ay nakakabawas sa garbage crisis.

maari kayong makipag ugnayan sa Manila Freecycle: http://freecyclemanila.ning.com/

 http://groups.yahoo.com/group/philippinesfreecycle/

gumawa kami ng Freecycle box dito sa loob ng Community Center para mas madaling makuha ng may mga kailangan, at gusto ng libreng stuffs. pede din kayong mag lagay ng mga gamit na gusto niyo ng ipamigay para mapakinabangan ng iba!!! mag email lang sa noncollective@yahoo.com kung gusto niyo ipapick up ang inyong ibababahagi  salamat!! reduce—> reuse–> recycle–>…FREECYCLE

February 25, 2007

RTS: Street art

http://sharediyproject.multiply.com/photos/album/6 

free web tracker