Aklas laban sa G8 !!!! (poster
Tinig ng Pakiki-Isa KALAYAAN PARA SA TIBET
Komunikasyon mula sa:
AID Kolektibo at NoN Collective
Tinig ng Pakiki-Isa
Kalayaan Para sa Tibet
Maalalang ang Tibet ay sinakop ng bansang Tsina sa pangunguna ni Mao Tse Tung matapos nilang maipanalo ang nasyonalistang rebolusyon sa pamamagitan ng digmaang-bayan.
Mukhang sakit talaga ng maka-estadong pag-iisip at pananaw ang pananakop, maraming dahilan ang maaring gamitin ng Komunistang Tsina upang panindigan ang kanilang pag-okupa sa Tibet.
Subalit, kung ang isang bansa ay kumikilala sa kalayaan, pagsasarili o ideya ng demokrasya; kailanman ay hindi ito magdedesisyon upang manakop at mangdahas ng isang bansa o komunidad.
Ang Tibet bago pa man ang pananakop ay nagsasarili, may otonomiya, may sariling-determinasyon, kultura at mga mamamayang pinagbubuklod ng diwa ng pagkakaisa, kapayapaan at pagtutulungan at nabubuhay ayon sa interes ng kanilang ekosistema.
Ngunit ang mahahalagang komponahe para sa kalayaan ay niyurakan ng mga maka-estadong pananaw at ekpansyonistang polisya.
Ang pananakop ng Komunistang Tsina ay dapat na kondenahin ng mga mamamayan at mga institusyong sa daigdig na naniniwala sa diwa ng kalayaan. Walang anumang batayan ang pag-okupa ng Tsina sa Tibet at walang anumang dahilan upang panatilihin pa ng gobyernong Tsina ang kontrol nito sa mga ugnayan at relasyon ng mga mamamayan at mga komunidad sa Tibet.
Makibahagi sa pakikitungali ng Tibet para sa kayang pansariling determinasyon!
Gawin natin ito sa ating mga panasriling pagkukusa sa abot ng ating mga kakayanan!
Atakehin ang hirakiya at ang iba’t-ibang klase ng manipestasyon nito.
Vegetarian Macaroni recipe
“SUPER VEGETARIAAN MACARONI”
by: Chino Posero
Mga sangkap:
Macaroni pasta
Tubig
Tomato sauce o Spaghetti sauce
Tokwa
Paminta
Asukal
Asin
Sibuyas
Bawang
Mushroom
Prosidyur:
1.Igather o ipunin ang mga pagkain na nahingi o nabili.
2..Magpakulo ng tubig para sa macaroni.
3.Kapag kumulo na ang tubig,ilagay na ang macaroni,takpan at hintayin lumambot ang macaroni..Pagkatapos palamigin ang pasta at itabi muna.
4.Hiwain ang sibuyas,bawang at isabay nadin ang pagmash ng Tokwa na parang giniling at igisa.(Pwede itong isabay habang pinapakulo ang tubig.)
5.Pakuluin ang tomato/spaghetti sauce at isama na ang mga hiniwa.Maglagay ng asin,paminta,asukal para sa pampalasa.
Kapag medyo ok na ang lasa, ilagay na ang tokwa.
6.Pagluto na ang sauce,ibuhos ito sa pasta at haluin hanggang pantay na ang kulay ng macaroni.
7.Kumuha na nang plato,kutsara at tinidor tapos tawagin na ang mga tropa at sabay-sabay KUMAIN!
“Dahil lahat ng tao ay may karapatan kumain.”
PS: ito po ung menu para bukas sa artworkshop + FNB..
Papanzine # 1 (unang isyu)
Papanzine # 1 (unang isyu)
out now!!
whole size zine cut and paste and handwritten. 100% D.I.Y. Tagalog-English zine created by some individuals from NoNCollective
Insides: reviews, band interviews with Boi Piodos from A.D.A (Laguna Philippines),Resistant Culture (L.A. California USA) Alternate System (California USA) Articles, poems, Artworks, eco-socio-politics, love, activism and anarchism
Grab Your Copy now!!
Email us: noncollective@yahoo.com





