

Buy Nothing Day 2007
Sa darating na sabado, ika 24 nang nobyembre, ang lahat ay malugod na inaanyayahan na makilahok sa "BUY NOTHING DAY", isang pagdiriwang na idinadaos sa buong mundo sa pamamagitan nang hindi pagkonsumo at pagbili nang mga bagay na walang importansya o "luho" sa loob nang isang araw. Ang layunin nang pagdiriwang na ito ay talakayin at unawain ang masamang epekto nang sobrang pagkunsumo sa ating kalusugan, kapaligiran at sa ating komunidad at tukuyin ang mga libreng alternatibo na pwedeng gamitin.
Ilan sa masasamang epekto nang sobrang pagkonsumo
Dito sa pilipinas, partikular na ang metro manila, and kabuuang bilang nang basura na nakokolekta at prinoproseso ay humigit-kumulang 5, 000 tonelada araw-araw. Nagiging malaking suliranin nang gobyerno ang pagatatambakan nang mga basurang ito, at sa susunod na ilang taon, ang kasalukuyang pinagtatambakan nang basura ay posibleng mapuno at baka hindi na kayanin ang karagdagang itatambak na basura. Bunga nito, posibleng magkaroon nang malawakang krisis sa basura na pwedeng magdulot nang sakit, pagbaha pag umuulan, wag nang idagdag na ito’y di magandang tignan sa ating kapaligiran
Bukod pa dito, karamihan sa ating mga kinokonsumong produkto tulad nang gel, hairspray, sigarilyo, mga usok galing sa mga sasakyan at iba pa, huwag nang idagdag ang mga usok galing sa mga pabrikang gumagawa nito ay nagdudulot nang matinding polusyon sa ating kalapaligiran. Ang mga kemikal na nanggagaling sa mga produktong ito ay humahalo sa hangin at nagdudulot nang matinding pinsala hindi lang sa ating kalusugan, kungdi pati na rin sa kalikasan na sumusuporta hindi lang sa ating buhay nang tao, kungdi pati na rin ang iba pang "species" na nabubuhay sa mundo.
Ang tawag nang mga siyentipiko sa ganitong penomenon ay "Global Warming" o ang unti-unti pagtaas nang temperature dahil sa sobrang polusyon. Kung hindi matutugunan ang problemang ito, ang mga susunod na henerasyon ay makaramdam nang problema sa produksyon nang pagkain dahil sa kakulangan nang tubig para sa irigasyon. bukod pa dito, ang pagkatunaw nang mga yelo sa Arctic Region ay maaaring magpataas sa "sea level" at posibleng maging sanhi nang marami pang sakuna tulad nang tsunami at bagyo.
Isa rin sa itinuturong dahilan nang penomenon na ito ay ang kakulangan sa punongkahoy na bumabalanse sa takbo nang kalikasan. karamihan sa ating mga kagubatan ay pinuputol para bigyang daan ang mga multinasyonal na korporasyon tulad nang pagmimina at mga pabrika. Mga korporasyon na nagpapasweldo nang mababa sa minimum wage sa kanilang mga mangagawa, huwag nang idagdag ang eksploytasyon sa kapaligiran.
Ang mga kemikal na nabanggit ay isa ring pangunahing sanhi nang epidemya nang kanser na syang laganap sa buong mundo. Ang mga "carcinogens" o ang mga elemento na syang nagdudulot nang sakit na ito ay kasama di lang sa mga produktong ating ginagamit kungdi pati na rin sa ating mga kinakain. partikular na ang mga de-latang pagkain at iba pang prinoproseso sa di natural na paraan.
Ilan lamang ito sa mahabang listahan nang mga problemang idinudulot nang sobrang pagkonsumo. Kung titignan sa panlabas na anyo, ang mga productong ito ay tumutulong na pagaanin ang ating buhay. Ngunit ang kapalit ba nito’y pagkasira nang kalikasan, kalusugan, eksploytasyon nang mga manggagawa at marami pang iba? Sa aming palagay, pana hon na upang suriin at baguhin ang istilo nang ating pamumuhay para sa susunod na henerasyon
Ano ang mga posibleng alternatibo?
Ayon sa pag-aaral, mababawasan ang bilang nang basurang nakokolekta araw-araw kung tayo ay matututong mag-recycle o gamitin muli ang mga basura na pwede pang pakinabangan. mahigit-kumulang 30-40% nang kabuuang bilang nang basura ay pwede pang gamitin uli tulad nang papel, kahoy at iba pa. ang mga basura na nanggagaling sa ating mga kusina tulad nang pinagbalatan nang mga gulay o prutas o mga bulok na pagkain ay pwedeng ipunin at gawing compost o pataba sa halaman.
Pwede rin nating bawasan ang pagkonsumo nang koryente at paggamit nang sasakyan para makatipid sa mga gastusin. sa ganitong munting paraan mababawasan din ang konsumo nang langis, coal at iba pang pinagkukunan nang enerhiya na syang pangunahing pinanggagalingan nang mga kemikal at usok na syang pumipinsala sa kalikasan
Huwag nang hintaying masira ang mundo bago tayo magising at kumilos. ang susi ay ang pag-oorganisa at aktibong pakikilahok sa mga proyekto nang lokal komunidad na malaki ang maitutulong sa ikagaganda nang ating kapaligiran. sa aming palagay, ang isang araw na di pagkonsumo nang mga produktong nag-dudulot nang mga problemang nabanggit ay hindi nakakasama, bagkus, pwede pang makatulong nang malaki sa ating mga buhay. gasgas mang sabihin, hindi kayang bilhin nang pera ang kasiyahan.
At muli ang panawagan ay napakasimple bawasan o iwasan ang pag bili at pag kunsumo ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan at mga produkto ng mga multinasyonal na korporasyon.
NC





